
Proud ang batikang aktor na si Marvin Agustin sa kanyang Kambal, Karibal co-stars na sina Bianca Umali, Kyline Alcantara at Pauline Mendoza.
20 years na sa industriya si Marvin kaya naniniwala siyang magtatagal din sila dito dahil hanga siya sa kanilang kasipagan.
Saad niya, "Im so proud of our babies on the set. They are not just another pretty face, they are very talented, hardworking and very dedicated."
Patuloy niya, "Ganyan ang mga nagtatagal sa industriya. Ang mga taong magmamahal ng trabaho nila. Great job beauties! (Sayang wala si Pau sa shot) And congrats to our show!"