
Sobra ang tuwa ng versatile actor na si Marvin Agustin dahil sa patuloy na pagtaas ng TV ratings ng primetime Kapuso soap na Kambal, Karibal.
'READ: Marvin Agustin tweets for help to find his lost back pack that contains his kids' passports
Inaabangan gabi-gabi ang matitinding eksena at tapatan sa aktingan ng mga bida nito na sina Bianca Umali at newbie Kapuso na si Kyline Alcantara. May hatid ding kilig ang mga heartthrobs ng teleserye na sina Miguel Tanfelix at Jeric Gonzales.
Anong masasabi ninyo sa episode ng #KambalKaribal kagabi?#KKAgawan#KambalKaribal pic.twitter.com/ZCXYqjmfsU
— GMA Network (@gmanetwork) March 14, 2018
Kasabay ng pamamayagpag ng Kambal, Karibal, isang netizen ang nag-post ng pangmamaliit sa show kung saan kabilang si Marvin Agustin. Tila hindi nagustuhan ng beteranong aktor ang pamba-bash ng isang netizen patungkol sa show.
Makikita sa sagot ng Kapuso actor na ikinalungkot niya ang masasakit na salita na binitawan ng basher, pero mas pinili niya na mag-focus sa kanilang trabaho at sa goal nila na mapasaya ang kanilang mga manonood.
Muli siyang nagpasalamat sa mainit na suporta ng viewers dahil nakakataba raw ng puso at nagsisilbing itong motivation ng buong team ng Kambal, Karibal.