
Puring-puri ng ‘Mean To Beh’ director na si Christ Martinez ang child star na si Baeby Baste matapos nitong manalo bilang Best Child Performer sa MMFF 2017.
READ: Baeby Baste, wagi bilang Best Child Performer sa MMFF 2017
Ibinahagi ng direktor sa kanyang Instagram account na hindi naging mahirap katrabaho si Baste dahil napakabait at napakagalang nito. Sa kanyang murang edad, lagi siyang handa sa mga eksena at kabisado ang mga linya kahit na hindi pa siya masyadong marunong magbasa. Ito raw ang dahilan kung bakit deserved ni Baste ang award.
“Kapag may artistang bata sa sa set, siya palagi ang priority. Unang-una siya dapat kuhanan dahil kailangang mapauwi siya nang mas maaga sa lahat. Kung kailangang gawing gabi ang araw o gawing araw ang gabi o burahin sa post-prod ang bawat patak ng ulan, makunan lang siya - bilang direktor, gagawin mo. Mahirap? Hindi kung si @iambaebybaste ang artista mo. Napakabait. Napakagalang. Matalino. Bibo. At laging handa! Memoryado ang mga linya. Partida, hindi pa siya marunong masyado magbasa n'yan. Kaya nakaka-proud talaga na tanghalin siyang #bestchildperformer para sa #meanttobeh! Higit pa dyan, nakakawala ng stress sa set ang makita siya dahil napaka-cute at "born entertainer" talaga. Nakakatanggal ng pagod! WE ARE SO PROUD OF YOU, BASH! Panoorin po ninyo ang Meant To Beh! Baste will astound you! #mmff2017”