
Si Nolo Lopez, ang nagrepresenta sa Pilipinas sa World Championships of Performing Arts, at si Jong Madaliday, isang binatang nag-viral dahil sa kanyang boses limang taon na ang nakakaraan, ang nagkalaban last weekend sa The Clash.
Kinanta ni Nolo ang "Take Me Out Of The Dark" ni Gary Valenciano, samantalang may sariling rendition naman si Jong ng hit song ni Shawn Mendes na "Treat You Better."
Sa huli ay nanalo sa round na ito si Jhong dahil, ani nga ni Lani Misalucha, "binuhos mo lahat ng puso mo [sa kanta.]"
May mensahe rin naman ang dalawang Clashers sa isa't isa. Ika ni Nolo, "Sobrang blessed" siya na nakatapat niya si Jong. Sagot naman ni Jhong sa kanya, "Walang susuko, laban lang."