What's Hot

READ: Michael V., saan mas nahirapan sa pag-arte o pagdidirek?

By Aedrianne Acar
Published July 5, 2019 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Ibinahagi ni Michael V. ang kanyang na-realize nang tumayo bilang direktor ng 'Family History.' Basahin dito:

“Mas madaling umarte!”

Michael V.
Michael V.

Ito ang mabilis na sagot ni Michael V. nang tanungin ng entertainment press kung ano ang mahirap gawin, ang mag-direk o umarte.

Sa grand media conference ng Family History sa Novotel Hotel sa Quezon City last Tuesday, July 2, ipinaliwanag niya kung bakit challenging para sa kanya ang pagdidirek.

Wika niya, “Na-realize ko 'yan nung ginagawa na namin yung movie.

“As a director, ako set up, di ba? 'O, set up tayo ng shot, ito yung camera mo, ito ang blocking, okay.'”

“Pagkatapos mo um-acting, gagawin mo na iku-cue mo na yung sarili mo, ikaw ang magku-cue ng cut. 'Tapos pagkatapos nun, ipe-preview mo.”

Dagdag niya, “'Tapos, normally kapag artista ka, pagkatapos ng eksena okay! Good takem upo ka na, pahinga ka na, wait for the next take.

“Kapag ikaw pala yung director, pagkatapos nung take, lalapitan ka na nung staff mo, 'Direk, ano na po gagawin?'”

“'Oo nga pala, hindi pala ako puwede maupo, ako nga pala direktor.”

“So, mas madali mag-artista.”

Michael V., handog sa fans ang 'Family History'

Matagal na rin sa showbiz si Michael V., na nakilala na bilang isang mahusay na comedy actor, host, at singer.

Pero ngayon pa lamang niya naisipang subukan ang pagdidirek ng isang pelikula. Masasabi niya kaya itong 'right timing'?

Sagot ni Bitoy, “Feeling ko tama lang. Isa pa yan sa mga inaasahan ko na dahil sa inip nung iba mae-excite panoorin ito [Family History], yung pagbabalik ko sa big screen, hopefully.

“Hindi ko sinasabi yun talaga yung mentalidad nung ibang tao, pero hopefully yung naniniwala sa akin, yung mga sumuporta noon.

“Hopefully, makuha ko uli yung suporta nila ngayon.”

Abangan ang nationwide the premiere ng family drama movie, ang Family History, sa July 24.