What's Hot

READ: Michela Cazzola may pakiusap sa netizen tungkol sa usapin ng sustento ni James Yap sa anak na si Bimby

By Aedrianne Acar
Published April 23, 2018 11:24 AM PHT
Updated April 23, 2018 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Straight to the point ang sagot ng current girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola sa isang netizen na nagsabing dapat sustentuhan ng basketbolista ang anak nito kay Kris Aquino na si Bimby. Alamin ang detalye dito.

‘Tila mas lumalala ang isyu sa pagitan ng ex-couple na sina Kris Aquino at PBA player na si James Yap.

Kris Aquino reveals why James Yap doesn't see son: "Wala ka nang pakinabang kay Bimb"

Taong 2010 nang maghiwalay ang dalawa. Matapos ang dalawang taon ay tuluyan nang na-annull na ang kasal nila sa korte.

Last week, hindi nagustuhan ni Kris nang mag-post ng birthday message ni James para sa anak nila na si Bimby.

Inakusahan niya ang dating asawa na hindi ipinagtanggol ang anak matapos bastusin diumano ng isang TV broadcaster.

Ngayon, nadamay na din ang girlfriend ni James na si Michela Cazzola. Nag-react kasi ito sa komento ng isang netizen patungkol sa sustento na dapat ibigay ng kaniyang boyfriend sa anak niya na si Bimby.

Basahin ang mga posts ni Michela Cazzola.

 

Sunny morning ????

A post shared by Mic (@michelacazzola) on


Kris Aquino on Michela Cazzola: "A good woman whom you can consider a friend"

 

 


May isang anak si Michela kay James na si Baby Michael James habang ipinagbubuntis na din niya ang susunod nilang supling.