What's Hot

READ: Mika Dela Cruz shares her 12-year love story with Nash Aguas

By Jansen Ramos
Published November 13, 2018 4:08 PM PHT
Updated November 14, 2018 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News



Sa pamamagitan ng isang Instagram post, inilahad ni Mika Dela Cruz kung paano, saan at kailan nagsimula ang totoong love story nila ng kanyang boyfriend na si Nash Aguas.

Ibinahagi ni Kapuso actress Mika Deka Cruz ang nakakakilig na love story nila ng aktor na si Nash Aguas.

Inamin ng young actor sa isang press conference noong October 2018 ang kanilang relasyon.

Ikinuwento ni Mika sa Instagram ngayong araw, November 13, ang kanilang samahan sa loob ng 12 taon.

Panimula ng 19-year-old actress, "teka lang!! sinimulan eh tapusin ko nga so nakwento niya na naman yung flow nung storya namin.. actually maraming nakakaalam nung kwento namin simula bata, pero marami ring hindi."

Inihalintulad pa ni Mika ang kanilang love story ni Nash sa 2014 romantic comedy-drama film na Love, Rosie. "sa totoo lang guys kung tinatamad kayong basahin to manood nalang kayo ng movie na “Love Rosie” yun ang eksaktong kwento.. "

Bago pa man daw sila magkasama sa isang children show sa kabilang istasyon ay magkakilala na sila.

"so ayun bago pa goin bulilit magkakilala na kami, nagkakilala kami sa movie namin na “Tiyanaks”. takang taka siya sakin kasi nung bata ako di ako nagsasalita, mahilig din ako sa mga kababalaghan." saad ng Pamilya Roces actress.

Aminado ang bagets na dumaan muna sila sa pagiging magkaibigan hanggang sa naging text mates, pero pinagbawalan siya ng kanyang mga kapatid na magkaroon ng boyfriend hangga't hindi pa siya 18.

"nung pumasok ako sa GB, naging friends kami at lagi ko na siyang binubully.. hanggang sa nahuli kami ng kuya ko na nag ILY sa text.. (ANG AAGA LUMANDI!!) kaya naman natakot ako at ginawan ako ng kontrata ng mga kapatid ko na bawal akong magboyfriend hanggang mag 18 ako dun ako nagstart maging sobrang boyish, at sobrang nabro zone ko si nashie! tawagan pa nga namin dati “TOL” online games (crossfire) ang talagang naging bonding namin ever since bata kami." kwento pa niya.

Mahilig din daw sina Mika at Nash sa mga spontaneous adventures pero buti na lang ay supportive ang kanilang mga ina. Sabi pa ni Mika, halos lahat ng happy memories ng kanyang childhood ay kasama niya ang ngayo'y boyfriend na niya.

Aniya, "mahilig din kami sa mga spontaneous na adventures katulad ng may taping kami tas maaga kaming mapapack up magkikita kami sa Tagaytay tapos maliligo kami sa ulan. ang lagi naming kasama sa mga kalokohan at lakad namin ang parehas naming supportive at cool mommies at syempre ang aming mga tulay na si kuya philip, kuya reyjohn, at si nikki.

"halos lahat ng masasayang memories nung bata ako kami ang magkasama. magkaibigan kami pero sobrang magkaaway din. ASO'T PUSA to be exact. lagi ko siyang tinatarayan KASI NGA "

Akala ni Mika na hindi na matutuloy ang kanilang relasyon sa dami ng kanilang pinagdaanan sa loob ng 12 years, pero nanaig pa rin sa huli ang kanilang pagmamahalan sa isa't-isa.

"hindi kasya dito kung ikkwento ko lahat ng memories namin simula bata hanggang ngayon.. pero umabot din kami sa point na life happened. akala namin talagang di na kami magkikita. pero sa mga pinagdaanan naming dalawa individually, nagmature kami..

"ng biglang.. isang araw, pa children's book na to eh no..

nagkita kami at boom

to be continued.. salamat sa 12 years," pagtatapos ni Mika.

teka lang!! sinimulan eh tapusin ko nga 🙈😂 so nakwento niya na naman yung flow nung storya namin.. actually maraming nakakaalam nung kwento namin simula bata, pero marami ring hindi. sa totoo lang guys kung tinatamad kayong basahin to manood nalang kayo ng movie na “Love Rosie” yun ang eksaktong kwento.. 😂 so ayun bago pa goin bulilit magkakilala na kami, nagkakilala kami sa movie namin na “Tiyanaks”. takang taka siya sakin kasi nung bata ako di ako nagsasalita, mahilig din ako sa mga kababalaghan. nung pumasok ako sa GB, naging friends kami at lagi ko na siyang binubully.. hanggang sa nahuli kami ng kuya ko na nag ILY sa text.. (ANG AAGA LUMANDI!!) kaya naman natakot ako at ginawan ako ng kontrata ng mga kapatid ko na bawal akong magboyfriend hanggang mag 18 ako 😂 dun ako nagstart maging sobrang boyish, at sobrang nabro zone ko si nashie! tawagan pa nga namin dati “TOL” 😂 online games (crossfire) ang talagang naging bonding namin ever since bata kami. mahilig din kami sa mga spontaneous na adventures katulad ng may taping kami tas maaga kaming mapapack up magkikita kami sa Tagaytay tapos maliligo kami sa ulan. ang lagi naming kasama sa mga kalokohan at lakad namin ang parehas naming supportive at cool mommies at syempre ang aming mga tulay na si kuya philip, kuya reyjohn, at si nikki. halos lahat ng masasayang memories nung bata ako kami ang magkasama. magkaibigan kami pero sobrang magkaaway din. ASO'T PUSA to be exact. lagi ko siyang tinatarayan KASI NGA 😜 hindi kasya dito kung ikkwento ko lahat ng memories namin simula bata hanggang ngayon.. pero umabot din kami sa point na life happened. akala namin talagang di na kami magkikita. pero sa mga pinagdaanan naming dalawa individually, nagmature kami.. 😊 ng biglang.. isang araw, 😂 pa children's book na to eh no.. nagkita kami at boom 💥 to be continued.. salamat sa 12 years

A post shared by @ mikadlacruz on