
Postponed ang pagbisita ng Thai stars na sina Nadech Kugimiya at Urassaya Sperbund sa Pilipinas para sa isang fan meeting dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
April 25 sana bibisita dito ang dalawa para sa unang joint fan meeting nila sa bansa.
Sa isang Instagram post, inanunsiyo ng organizer na Istudyo Ni Pipay na iuurong nila ang fan meeting sa July 12, sa parehong venue.
Mananatili namang March 21 ang simula ng opisyal pagbebenta ng tickets at valid pa rin ang mga tickets na nabili noong ppe-selling na idinaos noong March 14.
Matatandaang bumisita na si Yaya sa Pilipinas last year para sa isang fan meeting.
Sina Nadech and Yaya ang bida sa mga hit lakorn tulad ng The Crown Princess, Switch at Waves of Life.
Kasalukuyang napapanood ang The Crown Princess sa GMA Heart of Asia, Lunes hanggang Biyernes, bago ang Eat Bulaga.