
Namayapa na ang ama ng dating aktres na si Neri Naig base sa Instagram post nito noong Lunes, November 20.
Saad ni Neri, dadalawin sana niya ang kanyang ama para ipakita ang anak nitong si Miggy pero hindi na sila nag-abot.
Matagal na rin daw niyang napatawad ang ama. Hindi man nakita ng kanyang ama ang anak nito, ikukuwento naman niya lahat ng masasayang ala-ala nito rito.
Nagpasalamat din si Neri sa mga nagdarasal at sumusuporta sa kanya.
Nakalagak ang mga labi ng kanyang ama sa Olongapo Memorial Chapels sa Santa Rita, Olongapo City hanggang mamayang gabi, November 23.