
Aliw na aliw pa rin ang netizens sa GMA Afternoon Prime soap na Prima Donnas.
Sa December 16 episode kasi ng Prima Donnas, tuluyan nang nawalan ng tiwala si Jaime (Wendell Ramos) sa mga Donnas na sina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn (Sofia Pablo) dahil hindi nila mapatunayan na sila ang mga tunay na Claveria.
Dahil dalang-dala ang mga netizen sa mas lalong gumagandang istorya ng number one afternoon drama na Prima Donnas, nakiusap tuloy ang isa sa kanila sa host ng top-rating Kapuso show na 'Kapuso Mo, Jessica Soho' na si Jessica Soho upang ipa-DNA test na ang mag-aama.
Kilala kasi ang KMJS sa mga istorya nitong pinagtatagpong muli ang mga taong nawalay sa piling ng isa't isa.
"To Miss Jessica Soho, please po pakitulungan naman po silang makapag-DNA test para ma-prove nila na sila ang mga tunay na Claveria," tweet ng isang fan.
To Miss Jessica Soho please po pakitulungan naman po sila makapagDNA test para maprove nila na sila ang mga tunay na Claveria #kmjs #jessicasoho #PrimaDonnas #primadonnaspagbabalik #primadonnaspaghaharap pic.twitter.com/gtn2JVrQwf
-- JP Olayvar (@JhaypiO) Disyembre 16, 2019
Pero 'wag na mag-alala dahil sa December 17 episode ng Prima Donnas, pumayag na si Jaime (Wendell Ramos) na ipa-DNA test ang Donnas.
Ano kaya ang mangyayari sa DNA test nina Jaime at ng mga Donna? Malalaman na kaya ni Jaime na sina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn ang kanyang mga tunay na anak?
Panoorin ang Prima Donnas, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw.