
Kinilig ang netizens sa GMA Summer Shows 2019 "Basta't Ka-Summer Kita" video kung saan tampok ang mga love team at cast ng aabangang mga programa sa Kapuso Network ngayong summer.
Kabilang diyan sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion para sa rom-com series na Love You Two kasama si Shaira Diaz.
Kakaibang summer vibe naman ang hatid ng cast ng Bihag na sina Max Collins, Jason Abalos, Sophie Albert at Mark Herras na game na sinubukan ang ilang water obstacles sa resort.
Game namang ipinakita ng Dahil Sa Pag-ibig cast members na sina Sanya Lopez, Benjamin Alves, Wyn Marquez at Pancho Magno ang kanilang beach bodies.
At sa unang pagkakataon, ipinakilala sina Derek Ramsay at Andrea Torres bilang pinakabagong love team ng GMA Network. Mapapanood sila sa upcoming primetime series na The Better Woman.
Bukod sa hot love teams, pinuri rin ng netizens ang theme song ng video na "Basta't Ka-Summer Kita" na inawit ni Inagaw Na Bituin star Kyline Alcantara, at kinompose ng Bubble Gang star na si Mikoy Morales.
Panoorin below ang GMA Summer Shows 2019 "Basta't Ka-Summer Kita" video: