
Ikinagulat ni Nikka Garcia, misis ng aktor na si Patrick Garcia ang tanong ng isang netizen na pilit na ginagawan ng isyu ang pagpo-post niya ng family photo sa Instagram.
Makikita sa comment section ng kaniyang Instagram account na ang netizen na si @clarissasnchz ang nagtanong kung bakit wala sa family photo ang anak ni Jennlyn Mercado na si Alex Jazz.
Bago ikinasal si Patrick at Nikka noong 2015 ay nagkaanak ang aktor kay Jennylyn Mercado.
Nagpaliwanag din si Nikka na ayaw na nila ng kaniyang mister na ma-isyu na ginagamit lang si Alex Jazz sa tuwing may post sila kasama ang bata.
May tatlong anak na sina Patrick at Nikka na sina Chelsea, Patrice at ang bunso naman nila na si Francisca Pia ay ipinanganak noong December 27, 2017.
READ: Patrick and Nikka Garcia welcome ‘rainbow baby’ Francisca Pia days after Christmas