
Sa Instagram post nag-share si Nar Cabico ng isang bittersweet na mensahe na natanggap niya sa social media mula sa isang follower.
Kinuwento ni @jobo_adoborotzki kay Nar kung papaano nakatulong ang kanta niyang "Gaga" para sa kapatid niyang si Jokas na may special needs na kamakailan lamang ay pumanaw na.
"My little brother with special needs died recently. One of the songs he had learned was 'Gaga.' He sang it every single day. 'Pag tinotopak siya, papatugtog lang ang 'Gaga,' sasaya na siya. Maraming salamat sa pagbibigay sigla sa maikling buhay ng kapatid ko. 'Yun lang po," mensahe ng follower ni Nar.
Na-touch ng husto si Nar sa mensaheng ito at kung papaano napasaya ng kaniyang awitin ang ibang tao.
Aniya, "Condolences @jobo_adoborotzki. Sayang di ko na-meet ang brother mo. But this has moved me deeply and inspires me to make more music. Rest In Peace, Jokas."
Nominado ngayon si Nar bilang Best New Male Artist sa Awit Awards 2018 at ang "Gaga" sa Best Performance by a New Male Recording Artist at Best Novelty Recording. Tingnan ang post below upang malaman kung papaano iboto si Nar: