What's Hot

READ: Paolo Ballesteros, nagsalita tungkol sa paglaladlad ng sexual preference

By Cherry Sun
Published April 3, 2018 11:50 AM PHT
Updated April 4, 2018 10:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Nagbigay ng opinion si Paolo Ballesteros tungkol sa paglaladlad ng sexual preference nang ma-feature siya sa bagong proyekto ni Maine Mendoza na 'Humans of Barangay.'

Nagbigay ng opinyon si Paolo Ballesteros tungkol sa paglaladlad ng sexual preference nang ma-feature siya sa bagong proyekto ni Maine Mendoza.

Sinimulan ni Maine kahapon, April 2, ang Humans of Barangay kung saan maglalabas siya ng kuwento ng mga taong nakakasalamuha niya sa Juan for All, All for Juan segment ng Eat Bulaga. Siyempre, hindi mawawala rito ang kasama niyang dabarkads sa naturang segment tulad ni Paolo.

MUST-SEE: Maine Mendoza launches 'Humans of Barangay' project

Sa pamamagitan ng proyektong ito, naipahayag ni Paolo ang kanyang opinyon tungkol sa isang sensitibong usapin ng mga miyembro ng LGBTQ community.

Aniya, “Ang paglaladlad, personal choice 'yan. Hindi 'yun madidikta ng kahit sino, lalo na ng society na ginagalawan mo. Just take your time, kahit mga 100 years pa 'yan, ikaw ang bahala. Kasi ikaw ang magbubukas ng sarili mong “closet," hindi ibang tao.”