
Hindi pinalagpas ng Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros ang komento ng isang basher patungkol sa kaniyang Instagram post.
#BlastFromThePast: Paolo Ballesteros, ipinasilip ang kaniyang tukmol days
Makikita sa Instagram page ng award-winning actor na binansagan niya ang sarili na Mr. Pogi ng Cabanatuan City.
Lumaki si Paolo sa Cabanatuan at doon siya nag-aral ng elementarya hanggang high school.
Nagkomento ang isang basher sa post na ito at sinabihan siyang 'bakla.'
Silipin ang naging tugon ni Dabarkad Paolo.
Bumuhos naman ang suporta ng mga netizens para sa noontime show host at ipinagtanggol siya laban sa kaniyang basher.