
Masayang-masaya ang actor-comedian na si Paolo Contis sa renewal ng kanyang contract with GMA Network kaya naman 15 years nang Kapuso si Paolo.
Ayon sa panayam ni Paolo sa press, itinuturing na raw niyang tahanan ang Kapuso Network.
"Basically, dito na sa GMA ako tumanda in terms of nag-mature, in terms of my personal life, professionally.
"Itong 15 years na ito kung saan ako nag-mature, I'm very happy na dito ko iyon nagawa.
"Tahanan ko na talaga 'tong GMA.
"Kung mayroong through thick and thin ika nga, lahat ng napagdaanan kong mabibigat, they've been very supportive of me, regardless of any situation.
"I would be an idiot not to stay," wika ng aktor.
Malaki rin ang pasasalamat ni Paolo na nabibigyan siya ng pagkakataong ipamalas ang kanyang husay sa comedy sa shows gaya na lang ng Bubble Gang.
Aniya, "Masaya naman ako na natutuwa sila sa'kin. Mahirap [magpatawa] especially sa culture nating mga Pinoy 'eh very emotional.
"Madaling magpaiyak pero with regards to sa [kasalukuyan] natin, maraming problema sa bansa, ang hirap magpatawa.
"Masaya ako na napapatawa ko ang mga tao."
Congratulations on your contract renewal, Paolo, and here's to many more!