Isang nakakalungkot na balita ang lumabas sa social media accounts ng mag-asawang Patrick Garcia at Nikka Martinez matapos makumpirma na nakunan ang kabiyak ng aktor.
Sa larawang ibinahagi ni Patrick sa kanyang Instagram kahapon, March 6, makikitang magkayakap ang mag-asawa nang mahigpit. "Everything is gonna be ok," saad niya sa kanyang caption.
Dahil sa social media post na ito, hindi napigilang mag-alala ng netizens at tinanong kung ano ang nangyari. Dito na kinumpirma ni Nikka na hindi nabuhay ang kanilang dapat sana'y ikatlong anak na kanyang ipinagbubuntis.
"I was three months pregnant and we lost our baby," sagot ni Nikka sa comments ng netizens.
Ikinasal sina Patrick at Nikka noong 2015 at biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Chelsea at Patrice.
MORE ON PATRICK GARCIA:
WATCH: Patrick Garcia reveals his new baby's first word
Patrick Garcia's daughter knows Bisaya, Tagalog, and English
LOOK: Patrick Garcia's birthday greeting for son Jazz