
Maligaya ang former UAAP courtside reporter na si Laura Lehmann matapos maiuwi ang korona ng Miss World Philippines kagabi, September 3.
Laura Lehmann is Miss World Philippines 2017!
Pero wala na sigurong mas sasaya sa pagkapanalo ng mestiza beauty liban sa kaniyang ever supportive boyfriend na si PBA cager Von Pessumal.
Makikita sa tweet na sobrang proud ng San Miguel Beermen star athlete sa tagumpay na nakamit ng kaniyang girlfriend.
Marami namang netizens ang natuwa sa pagiging supportive ni Von sa laban ni Laura sa Miss World Philippines.