
Simula na ang bagong yugto sa showbiz career ni Rayver Cruz.
Opisyal nang inanunsyo ang pagbabalik-Kapuso ni Rayver matapos ang halos dalawang dekada sa 24 Oras kagabi, September 5.
Rayver Cruz, naimpluwensyahan ba nina Rodjun Cruz at Janine Gutierrez para lumipat sa GMA?
Sa exclusive interview kay Rayver sa "Chika Minute", sinabi nito na looking forward siya sa mga bago niyang project sa GMA-7.
"It's a new beginning for me, fresh start, and open [ako] sa mga bagong challenges na gagawin ko sa GMA. So, I'm just excited,” aniya.
Dagdag pa niya, "Na-e-excite na ako mag-drama, and yung mga challenging na roles na alam ko kailangan ko pag-aralan mabuti."
Gayunman, hindi pa rin nakaiwas ang Kapuso aktor sa ilang netizens na pumuna sa kaniyang desisyong iwanan ang dating home network.
Makikita sa isang Instagram post ni Rayver ang sinabi ng isa niyang basher tungkol sa big move niya sa Kapuso Network.
Ayon sa netizen, na may Instagram handler na @celinetk48, “Hintay ka lang sa home studio mo dahil wala rin mangyayari sa iyo sa GMA. Kailangan mo lang palitan ang mga moves mo sa acting at mag explore ka pa.”
“Kung di ka pa rin susuwertehin sa showbiz better quit and look for another option. Tatanda ka lang diyan kung di para sa iyo ang showbiz wala talaga. Pasok ka na lang sa basketball total matangkad ka naman.”
Samantala, sa halip na maapektuhan, dinaan na lang sa tawa ni Rayver ang kaniyang reaksiyon sa negative comments tungkol sa kanyang paglipat.