
Certified fierce ang latest make-up look ng award-winning actor/noontime host na si Paolo Ballesteros sa Instagram kamakailan lang.
IN PHOTOS: The modern house of EB Dabarkad Paolo Ballesteros
Makikita sa post niya sa image-sharing platform na litaw ang husay ni Pao pagdadating sa pagma-make-up.
Umabot na sa mahigit 85,000 likes na sa Instagram ang naturang post ng Eat Bulaga star.
Ilan din celebrities ang nag-react sa kabog na make-up ni Paolo.
Samantala, hindi nagustuhan ni Paolo ang naging komento ng isang netizen nang tawagin siya nitong bakla.
Agad na tumugon ang tinaguriang King of Make-Up Transformation at sinabing, “Mas pogi naman sayo.”
Nagpaliwanag ang netizen at diniin na wala siyang masamang intensyon sa kaniyang komento kay Paolo Ballesteros. Ginagaya niya lang diumano ang tawagan nila ng kapwa Dabarkad na si Allan K.
Bukod sa pagiging viral ng kaniyang make-up transformation, mas nakilala din si Paolo Ballesteros nang gumanap siya sa pelikulang Die Beautiful na dinirehe ni Jun Robles.
Naiuwi ng TV host ang Best Actor Award sa Tokyo International Film Festival para sa pelikulang ito noong 2016.