Ipinairal ni Regine Velasquez ang kanyang pagka-classy at pagiging isang ina nang mag-react siya sa nararanasang pambabatikos kaugnay ng kanyang stepdaughter na si Leila Alcasid.
Isang litrato ni Leila kasama ang Asia’s Songbird ang naging usap-usapan matapos niya ito lagyan ng caption na “PA for the day.”
Hind ito ikinatuwa ng isang fan ni Regine. Naglabas ng sama ng loob ang tagahangang may pangalan na Spiggy at may Twitter handle na @spiglao sa diumano’y tawag sa kanyang idolo.
Wika niya, “Leche ka @leilaalcasid manang-mana ka sa tatay mo. Susko mga pabigat, pabibo at mapagsamantala. Konting hay din pag may time.”
Leche ka @leilaalcasid manang-mana ka sa tatay mo. Susko mga pabigat, pabibo at mapagsamantala. Konting hiya din pag may time
— Spiggy (@spiglao) February 10, 2017
Paalala rin niya kay Regine, “@reginevalcasid Lahat ng sobra masama. Kahit ang pagiging mabait pag sumobra hindi rin maganda.”
@reginevalcasid Lahat ng sobra masama. Kahit ang pagiging mabait pag sumobra hindi rin maganda
— Spiggy (@spiglao) February 10, 2017
Bilang isang supporter ng Asia’s Songbird ay hindi raw niya matanggap ang pang-aagrabyado kay Regine.
@reginevalcasid Ang totoong supporters hindi yung tanggap lang ng tanggap kahit alam namin minsan o madalas na-aagrabyado ka
— Spiggy (@spiglao) February 10, 2017
Pinaalalahanan din ni Spiggy ang kanyang iniidolo na huwag umano magpaabuso.
“Kapag hindi ka na kumikita at wala ng fans na nanonood sa’yo, iiwan ka rin ng mga ‘yan. Sana hindi pa huli ang lahat pag dumating ‘yun. Hahahaha,” aniya.
Kapag hindi ka na kumikita at wala ng fans na nanonood sayo IIWANAN KA RIN NG MGA YAN. Sana hindi pa huli ang lahat pag dumating un hahahaha
— Spiggy (@spiglao) February 10, 2017
Patuloy niya, “Pag dumating ang time na sumikat steypdowter mo at natabunan ka, goodbye sa’yo. Hindi ka nila kadugo. At the end of the day, steypmom ka lang.”
Pag dumating ang time na sumikat steypdowter mo at natabunan ka. Goodbye sayo. Hindi ka nila kadugo. At the end of the day steypmon ka lng
— Spiggy (@spiglao) February 10, 2017
“Hindi ko buburahin ang tweet na ‘to. Para pag nangyari ‘yun, pwede mo balikan. Tapos kami, ang reaction lang, ‘I told you so.’ Ganern, hahahahahaha,” pagtatapos niya.
Hindi ko buburahin ang tweet na to. Para pag nangyari yun pwede mo balikan. Tapos kami ang reaction lng "I told you so". Ganern hahahahahaha
— Spiggy (@spiglao) February 10, 2017
Pag-amin ni Regine ay nasaktan siya sa kanyang mga nabasa. Gayunpaman, hindi nito naapektuhan ang mabuti niyang relasyon kay Leila.
“I’m hurting. So sorry my sweetheart @leilaalcasid I love you so much,” mensahe ni Regine sa panganay na anak ni Ogie Alcasid.
“@reginevalcasid No need, your kindness and generosity will never be underestimated by me. Love you so much,” naging tugon naman ni Leila.
MORE ON REGINE VELASQUEZ AND LEILA ALCASID:
WATCH: Regine Velasquez-Alcasid, masaya sa pagmamahal ni Leila Alcasid sa kapatid na si Nate
WATCH: Regine Velasquez, stage mom raw sa pag-aartista ni Leila Alcasid?
IN PHOTOS: The Alcasids' holiday in Australia