Celebrity Life

READ: Regine Velasquez, sinagot ang basher na ginawan ng isyu ang pagpapakasal niya kay Ogie Alcasid

By Aedrianne Acar
Published July 11, 2018 10:56 AM PHT
Updated July 11, 2018 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan approves stem-cell treatment for Parkinson's in world first
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention
PropertyGuru Philippines Property Awards introduces new categories this year

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang naging tugon ni Asia's Songbird Regine Velasquez sa basher na nagsabing "whoever marries a divorced man commits adulter."

Mahinahon ang naging sagot ng Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid nang may nag-comment na basher sa kaniyang Instagram post na pilit ginagawan ng isyu ang pagpapakasal niya kay Ogie Alcasid.

Regine Velasquez has a request for President Duterte: 'Hindi naman po namumulitika si God kaya wag na po natin sya idamay'

Makikita sa comment section ng IG ng Kapuso diva ang tugon niya sa post ni @damn_world2018 patungkol sa kasal niya sa former Bubble Gang star.

Dating ikinasal si Ogie kay Michelle Van Eimeren taong 1996, pero na annull ang kasal sa korte matapos ang labing isang taon.

 

 

Usap-usapan din sa social media ang naging tweet ng Asia’s Songbird patungkol sa patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos.

Naglabas na din ng maikling statement si Ogie Alcasid sa Twitter patungkol sa statement ng asawa at sinabi nito na lagi niyang ipagtatanggol ang opinyon ng kaniyang pinakamamahal na misis.