What's Hot

READ: Rich Asuncion relates struggle of being a celebrity mom

By Nherz Almo
Published June 21, 2019 12:18 PM PHT
Updated June 21, 2019 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Cebu City logs 50 road accidents since start of 2026
PHIVOLCS: Minor strombolian activity on Day 100 of Mayon’s effusive eruption

Article Inside Page


Showbiz News



Rich Asuncion grateful for having a very supportive husband, “Siya pa 'yung nagsasabing kunin ang project.”

Hindi hirap sa pag-arte kung 'di hirap sa pagkawalay sa anak ang naramdaman umano ni Rich Asuncion nang gawin niya ang upcoming Cinemalaya film na Children of the River.

Rich Asuncion
Rich Asuncion

Ito kasi ang unang pagkakataon na matagal niyang hindi nakasama ang six-month-old na anak nila ni Benjamin Mudie, si Isabella Brie.

“First time kong nawalay sa kanya ng limang araw. Five days, for the first time!

“Dala ko 'yung unan niya. Ako 'yung nahirapan na nalayo sa kanya,” kwento ni Rich nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment reporters para sa pocket press conference ng Children of the River noong June 20.

Dagdag pa ni Rich, tinanggap niya ang proyekto kahit mapapalayo kay Baby Bella dahil gustung-gusto niyang mag-Cinemalaya.

“Honestly, ito, nag-alangan talaga ako kasi ang layo at saka ilang days akong wala,” sabi ni Rich.

“Pero kinausap ko si Ben, sabi ko sa kanya, 'What should I do?' Sabi niya, 'Well, ikaw, pangarap mo 'yan.'

“Kasi, gusto ko talagang mag-Cinemalaya. Gustung-gusto ko dati pa.

“Nag-audition pa ako sa CCP [dati], pumila ako kasi gusto ko talaga!”

Samantala, bilang first-time mom, inamin ni Rich na magkahalong hirap at saya ang kanyang nararamdaman sa pagdating ni Baby Bella sa buhay nila ni Benjamin.

“Pero mas masarap kaysa sa hirap kasi na-e-enjoy ko lahat ng [motherhood],” agad niyang paglilinaw.

Sa tingin din niya ay mas makatutulong ito sa kanyang trabaho bilang artista, lalo na sa mga gagawing mother roles tulad ng role niya sa Children of the River.

Ani Rich, “Ngayon, mas ramdam ko na may anak ako sa istorya, mas nabibigyan ng lalim.”

Pagdating naman sa roles na kanyang tatanggapin, wala raw limitasyong hiling ang kanyang asawa.

Sabi ni Rich, “Wala akong problema sa ganyan kasi ang asawa ko ay very understanding.

“Siya pa 'yung nagsasabing, 'Ipakita mo 'yung cleavage mo.' Ha-ha! Siya pa 'yung nagsasabing kunin ang project.”

Bagamat ilang buwan pa lamang si Baby Bela, ayon kay Rich, full-time na raw ang pagbabalik niya sa showbiz.

Mabuti na lamang daw at maganda ang setup nilang mag-asawa para sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Bukod sa may kasama sila sa pag-aalaga, sabi ni Rich, “Si Ben naman, no problem naman kasi 'yung trabaho niya nandun lang.

“So, nabibisita niya during lunch time, mine-make sure niya na okay naman si Bella.”

Sa parte naman niya, sinisiguro raw ni Rich na magkaroon pa rin ng oras sa kanyang anak pagkatapos ng trabaho.

Kuwento pa niya, “Dapat talaga, pag-uwi galing taping, naliligo talaga ako.

“Dati hindi ko ginagawa 'yon kapag sobrang pagod ka na.

“Pero ngayon, siyempre, katabi mo ang anak mo. Kung galing ka sa taping, maraming tao, hindi mo alam kung ano ang dala mo.”

Bukod sa Cinemalaya 2019 movie na Children of the River, naging bahagi na rin si Rich ng natapos nang teleseryeng Inagaw na Bituin at kasalukuyang bahagi naman ng GMA Afternoon Prime soap na Dahil Sa Pag-ibig.