
Naging matipid ang sagot ng One of the Baes lead actress na si Rita Daniela sa diumano'y pang-iisnab ng Kapamilya actress na si Alex Gonzaga sa kanila ni Ken Chan nang magpang-abot sa isang airport lounge.
Hindi nawaisan ng press na tanungin sina Rita at Ken tungkol sa isyu sa naganap na One of the Baes press conference nitong Miyerkules, September 25.
Maingat na sagot ni Rita, “Unang-una po, hindi naman na po dapat gawing issue kasi wala rin naman po 'yun para sa 'min ni Ken.
“At sana 'wag na lang po nating palakihin pa, tapos na po 'yun.
“Okay na po kami ni Alex, nakapag-usap na po kami, 'yun po ang pinakaimportante.”
Diin pa ng aktres, “Wala naman pong mas dapat parang-i-OA pa.
“All is well, and kung ano man po ang nangyari nung gabi na 'yun, naiintindihan po namin 'yun ni Ken kasi kami rin bilang artista…
“Maaring nung mga panahon na 'yun, may pinagdadaanan lang siya or pagod siya at naiintindihan din po namin 'yun kasi sa 'min din nangyayari rin po 'yun.”
Pagkatapos ay muling sinabi ni Rita, “Sana po 'wag na po natin mas palakihin pa.”
Mariing namang pinabulaanan ni Alex ang nasabing snubbing incident at ibinahagi na nakipagkamay siya kina Rita at Ken nang magkakitaan.
Nagsimula ang issue ng mag-post ang showbiz columnist na si Lolit Solis tungkol sa issue.
ABANGAN: 'One of the Baes' full trailer mapapanood na mamaya!
WATCH: Ken Chan, hinangaan sa Thailand dahil sa pagkanta ng isang sikat na Thai song
'One of the Baes' cast, namahagi ng good vibes sa mga marino