
Ipinahayag ni Robin Padilla ang kanyang excitement sa nalalapit na kasal ng kanyang anak na si Kylie Padilla sa nobyo nitong si Aljur Abrenica.
Kamakailan ay ginawa na ang prenup pictorial at video shoot nina Kylie at Aljur. Isang behind-the-scenes na kuha ang ibinahagi ni Robin sa kaniyang Instagram. Sa kanyang post, inilabas niya ang kanyang damdamin tungkol sa pag-iisang-dibdib nito at ng aktor.
MUST-SEE: Kylie Padilla at Aljur Abrenica, may prenup pictorial at video shoot na
Aniya, “Alhamdulillah Praise God napakaganda ng aking umaga dahil sa post na ito. @kylienicolepadilla Nasa iyo anak ko ang malalim kong paggalang at paghanga. Saludo ako sa pag-ibig at pagsuko mo sa magiging asawa mo.”
Dugtong pa niya, “Masyado na akong nasasabik sa araw na aking pinakahihintay. Maraming salamat sa iyo o aming nag-iisang Diyos na lumikha. Amen!”