What's on TV

READ: Rochelle Pangilinan at Max Collins, may kinakaharap na krisis?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 20, 2020 9:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Jericho Francisco Jr. gets another skateboarding gold for PH
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit nga ba hindi magkasundo sina Rochelle at Max? Alamin sa 'Dear Uge,' ngayong Linggo. 

Wala na atang mas gugulo pa sa pagsasama nina Rochelle Pangilinan at Max Collins dahil gaganap sila bilang dalawang misis na may iisang mister at magsasama sa iisang tirahan. ‘Yan ang kuwentuwaang ating susundan sa Dear Uge ngayong Linggo, July 31.

Si Victoria (Rochelle) ang common-law wife ni Joselito (Mike Tan), habang kabit naman ng kanyang mister si Amanda (Max) na hinayaan niyang manirahan kasama nila para hindi siya hiwalayan ng kanyang asawa.

Kahit nais nilang magsama ng mapayapa ay nagkakapikunan sila. Sa lumaon ay makakahanap sila ng paraan para magkasundo ngunit may panibagong hamon silang kakaharapin. Magsama-sama pa rin kaya sila sa ilalim ng iisang bubong?

Abangan ang kahahantungan ng ‘Krisis ng Dalawang Misis’ ngayon Linggo, July 31, sa Dear Uge, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.