
Maraming celebrities at netizens ang natuwa sa sweet birthday message ng Kapuso hunk na si Rodjun Cruz para sa younger brother niya na si Rayver Cruz.
Sa Instagram post ni Rodjun last week, sinabi nitong palagi siyang naka-suporta sa kaniyang kapatid ano man ang mangyari.
Saad niya, “Happy birthday brother @rayvercruz! Love you sobra!? Got your back always. God bless you always & in all ways"”
embed:
Nag-reply naman ng heart emojis si Rayver sa birthday greeting ng kaniyang kuya.
Bumuhos din ang pagbati mula sa mga celebrities para sa Kapamilya talent.