What's Hot

READ: Ruby Rodriguez ipinagtanggol ang baby ni Pauleen Luna sa komento ng isang netizen

By Aedrianne Acar
Published November 7, 2017 12:35 PM PHT
Updated November 7, 2017 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Isa sa pinaka malapit na kaibigan ni Pauleen si Ruby, kaya naman tila na-offend ang 'Eat Bulaga' host nang may hindi magandang komento ang isang netizen tungkol sa anak ni BosLeng. 

Sobrang excited ng Eat Bulaga star na si Ruby Rodriguez na finally nanganak na ang kaniyang best friend na si Pauleen Luna.  

JUST IN: Vic Sotto confirms wife Pauleen Luna has already given birth

Sa katunayan, isa si Ruby Rodriguez sa nagkaroon ng unang pagkakataon na makita ang baby girl ng BosLeng.  May pasilip pa nga siya sa Instagram sa cute na anak ng showbiz power couple.

 

May pa peekaboo si Baby T???????????? just love the smell of babies. Orlog ng orlog! First karga ko jinutotan agad ako ???????????????? anak ka nga ng nanay at tatay mo!! Love u baby???????????? Congratulations to my bff @pauleenlunasotto and bossing! Motherhood becomes u

A post shared by Ruby Rodriguez (@rodriguezruby) on

 

Isa sa mga nag-react sa Instagram post ni Ruby ang teen star na si Taki.

 

Pero ‘tila hindi naman nagustuan ng long-time host ng Eat Bulaga ang naging komento ng isang netizen patungkol sa baby ni Pauleen Luna.

Nagtanong ang netizen na si @elsprincess23 kung bakit hindi ipinakita ni Ruby ang mukha nang baby at may sundot pa itong tanong kung may deperensya ba ang bata.

Agad na naman na nag-reply si Ruby Rodriguez na makikitang na-offend sa naging post ng netizen.

 

Photos by: rodriguezruby(IG)