Celebrity Life

READ: Rufa Mae Quinto, di alintana ang pagbabago sa katawan matapos manganak

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 26, 2017 1:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News



“Kahit nagbago buhay ko at pangangatawan, namanas na ako para lang mapakain ka, maging buo at healthy ka, deadma to myself. Mahal kita.” - Rufa Mae

Malaki ang ipinagbago ng buhay ni Rufa Mae Quinto sa pagdating ng kanyang panganay na si baby Alexandria. Aniya, hindi niya alintana kahit nagbago pati ang hubog ng kanyang pangangatawan para lamang maalagaan ang kanyang anak.

Ikinuwento ni Rufa Mae ang kanyang experiences bilang first-time yet hands-on mom.

Sambit niya, “Ako naman ay super mother role araw at gabi. Ganito pala maging nanay. Ikaw na lahat hands on kahit may nurse siya 24 hours. Ako ay hands on from breast feeding, lullaby, wiwi, poop, change diaper, change clothes, saddle, pa-burp, everything. Hay life, ang sarap. Sulit ang pag-antay ko sa’yo anak.”

“Mahal na mahal kita. Mabait siya, iyak lang pag gutom, change diaper, clothes and hirap mag-latch. Sana naman wag ka magbago my ittle bundle of joy, my princess, my señorita, donya, baby girl,” patuloy niya.

Ang priority ngayon ni Rufa Mae ay ang pag-aalaga sa kanyang unica hija.

Wika niya, “Kahit nagbago buhay ko at pangangatawan, namanas na ako para lang mapakain ka, maging buo at healthy ka, deadma to myself. Mahal kita.”

Nagpasalamat din ang comedienne sa mga nagpadala ng pagbati at concerns sa kanya. Masaya rin ngayon si Rufa at hindi niya nararanasan ang postpartum depression.

 

Ako naman ay super mother role araw at gabi, ganito Pala maging nanay, Ikaw na lahat hands on kahit may nurse sya 24 hours, ako ay hands on from breast feeding, lullaby, wiwi , poop, change diaper , change clothes , saddle , pa burp, everything ???? hay life ang sarap sulit ang pag antay ko sayo anak . Mahal na mahal kita , mabait sya , iyak Lang pag gutom , change diaper, clothes and hirap mag latch . Sana naman wag ka mag bago my little bundle of joy, my princess, my señorita, Donya , baby girl! Kahit nag bago Buhay ko at pangangatawan , namanas na ako para Lang mapakain ka , maging buo at healthy ka , deadma to myself , mahal kita, salamat po sa inyo ng lahat all the greetings and gifts . And concern parang post partum Wala pa sa ngayon , Sana wag na Luma ganap sa isip ko at pangangatawan,, salamat sa Concerns countrymen I love you all. @alexandriamagallanes says goodnight all????????? #athenalaexandriamagallanes

A post shared by Rufa mae Quinto (@rufamaequinto) on

 

MORE ON RUFA MAE QUINTO:

MUST-SEE: A first look at Rufa Mae Quinto's princess, Alexandria Magallanes

WATCH: Mariel Rodriguez, sumaklolo kay Rufa Mae Quinto para sa gatas ni Baby Alexandria

Rufa Mae Quinto on being a mom: "Todo na 'to!"