
"Kindly tell your Tita I declined to have my photos taken 'cuz I was rushing to catch my flight." - Ruffa Gutierrez
Nakapukaw sa atensiyon online ang naging palitan ng comment sa pagitan ng actress/TV host na si Ruffa Gutierrez at isang netizen.
Nagbakasyon kamakailan si Ruffa sa bansang Japan at may isang netizen na nag-comment sa isang photo niya sa Instagram. Ibinahagi ng nasabing netizen ang isang insidente na ayaw daw ng aktres na magpa-picture.
Ayon sa comment ng netizen na si @satokimberly08, hindi daw pumayag na magpakuha ng litrato si Rufa sa kaniyang Tita nang makasalubong daw ito.
“@iloveruffag galit na galit sayu tita ko suplada ka daw nakita ka niya kahapon sa nagoya eki magpapa pic sana pero nagmamadali daw kayu ! Hahahahaha ! nagwawala siya sa facebook subrang galit”
Nag-reply si Ruffa sa naging post na ito ni @satokimberly08 at sinabi ng celebrity mom na may hinahabol daw siyang flight ng mga oras na iyon.
Depensa pa ni Ruffa na magiliw daw siya sa mga taong na gustong magpa-picture sa kaniya.
“Bakit siya nagwawala sa galit?! Is it a pre-requisite that I MUST have my photo taken with her?? Kindly tell your tita I declined to have my photos taken cuz I was rushing to catch my flight. As soon as I jumped on the train with my 4 suitcases the doors closed. I've never had a reputation of being suplada FYI. There's a reason behind everything. Cheers!”
MORE ON RUFFA GUTIERREZ:
IN PHOTOS: Mga artistang nasaktan man, pero umibig ulit!