
Hindi pa rin mapantayan sa afternoon timeslot ang high-rating Kapuso drama na Ika-6 Na Utos.
IN PHOTOS: For boyfriend Pocholo Barretto, Ryza Cenon is No. 1
Lalo pang tumitindi ang mga eksena at tagpo sa soap na pinagbibidahan nina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon. Lalo nang mamatay ang karakter ni Mike Tan na si Angelo last week.
Kahit patuloy ang pamamayagpag sa telebisyon, may ilan pa ring bashers ang pilit na pinupuna ang Kapuso afternoon series.
Isang netizen ang nag-tweet last September 3 kung saan tahasan nitong sinabi na puro kasamaan daw ang natutunan ng mga kabataan sa Ika-6 Na Utos.
Wala akongmakitang moral lesson sa story purokasamaan ang naiimpart sa kabataan ng story na yan si Georgia walang Diyos https://t.co/n1SkjQyZXi
— Lucila Tabuso (@lucilatabuso1) September 2, 2017
Nabasa ito ng isa sa mga cast ng show na si Ryza Cenon at nagbigay ng paalala sa naturang basher na nasa desisyon pa rin ng mga tao kung hahayaan nilang mapanood ng mga bata ang kanilang programa.
SPG po kami meaning bawal talaga sa bata panoorin. Kayo naman po mag kokontrol sa mga bata na wg panoorin kung sa tingin nyo walang aral. ??
— Ryza Cenon (@iamryzacenon) September 3, 2017
Huwag palagpasin ang mga umiinit na tagpo sa highest-rating afternoon drama sa telebisyon, ang Ika-6 Na Utos, Monday-Saturday pagkatapos ng Eat Bulaga.