
Tila may ibig ipahiwatig ang Kapuso actress na si Ryza Cenon sa kaniyang recent tweet at ito ay para sa mga televiewers na masyadong sineseryoso ang karakter niya bilang Georgia sa highest daytime drama na Ika-6 Na Utos.
READ: Ryza Cenon, may paalala sa isang basher na nag-tweet na puro kasamaan ang natutunan ng mga bata sa 'Ika-6 Na Utos'
Heto ang buong tweet ng magaling na aktres.
Hahahahaha!!! Sige na nga post ko na nga to. Sa mga seryoso po sa buhay wag po pati ko sinerseryoso o pinepersonal nyo. Happy lang dapat!???????? pic.twitter.com/UXAnovgZDP
— Ryza Cenon (@iamryzacenon) September 2, 2017
Bumuhos naman ang suporta ng mga fans ni Ryza Cenon. Marami ang nagsabi na huwag pansinin ang mga nagagalit sa kaniya dahil patunay lamang ito na mahusay siya sa pagganap bilang Georgia.
Kumapit, mga Kapuso, sa mas lalong tumitinding eksena sa hindi mapantayang GMA afternoon drama na Ika-6 Na Utos, Monday to Saturday, pagkatapos ng Eat Bulaga.