
Ramdam pa rin ang galit ng Kapuso kontrabida star na si Thea Tolentino sa mga taong nagkalat at pinagpiyestahan ang diumano’y video scandal niya sa Internet.
READ: Thea Tolentino, mariing itinanggi na siya ang babae sa isang video scandal
Mariing itinanggi ng former Protégé contestant sa social media at sa 24 Oras interview niya na siya ang babae sa naturang viral video.
Sa kaniyang post sa Twitter, mas maganda raw na ipagdasal ang mga taong walang ginagawang makabuluhan sa buhay nila.
Ikinalulungkot din niya na may mga taong iresponsable kung gumamit ng social media.
Nag-iwan ng isang makahulugang tweet si Thea na mula sa isang Bible verse.