
Sa interview with the press ni Thea Tolentino during her Kapuso contract signing, nagsalita siya tungkol sa kaniyang breakup with fellow Kapuso artist Mikoy Morales.
Aniya, "Napapag-usapan naman namin at parehas namin gustong mag-focus din sa career. Mula noong mag-break kami, maraming opportunities na pumasok sa 'min parehas."
Kahit naghiwalay na ang dalawa, thankful pa rin si Thea kay Mikoy dahil sa lessons na nakuha niya mula sa kanilang relationship.
"Kasi si Mikoy, sobrang mature siya mag-isip so natuto akong tumingin sa mga bagay on a bigger perspective. Naging open 'yung mundo ko, hindi sa isang bagay lang nagfo-focus, basta titingnan mo 'yung lahat," pagkuwento ni Thea.
Sa huli ay ini-reveal ni Thea kung ano ang naging susi kung paano siya naka-move on mula sa kaniyang ex. "Ako kasi, lagi akong nagso-shove off [ng mga tao] so akala ko, okay na. Tapos biglang after ilang months, doon magki-kick in na 'Ay, 'di pa pala ako okay.' Ang nakatulong sa 'kin, hindi lang doon sa breakup, pero as a whole sa lahat ng iniisip at problema ko, [ay] 'yung binigay ng GMA na acting workshop with Anthony Bova. Kasi sobrang nakaka-empower siya bukod sa acting mo na-e-enhance, as a person talaga, natutulungan ka rin niya," wika niya.