Celebrity Life

READ: Valerie Concepcion, naiyak nang tanungin tungkol sa relationship ng kaniyang anak at fiancé

By Felix Ilaya
Published September 4, 2018 10:27 AM PHT
Updated September 4, 2018 10:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cambodian parliament passes landmark cybercrime law after scam center scrutiny
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit naging emosyonal si Valerie Concepcion nang makamusta ang anak na si Heather Fiona at ang soon-to-be husband niya na si Francis Sunga? Alamin sa article na ito.

Photo by: v_concepcion (IG)

"Emotional ako pagdating sa anak ko," iyak ni Valerie Concepcion habang nasa media conference ng Ika-5 Utos nang tanungin siya tungkol sa relationship ng kaniyang anak na si Heather Fiona at fiancé na si Francis Sunga.

Kuwento ni Valerie, "Natutuwa ako 'pag nagtatawagan na sila ng 'papa' at saka 'anak.' Sasabihin ng fiancé ko, 'Nasundo mo na ba 'yung anak natin?' May umaangkin ng anak sa anak ko!"

Dagdag pa ng Ika-5 Utos star na gusto niya raw talaga na may tumayong father figure para sa kaniyang teenage daughter.

Aniya, "Kasi for the longest time kaya din gusto ko mag-asawa because I want my daughter to have a father. We all know na mag-fo-fourteen years old na siya sa October pero hindi pa rin niya na-mi-meet 'yung father niya. So ngayon na may someone who's willing to take her in, na anak na 'yung tawag, nakaka-touch."

Ano naman kaya ang naging reaksyon ni Heather nang malaman nitong engaged na sina Valerie at Francis?

"Pinakita ko sa kaniya 'yung ring tapos sabi ko 'Anak.' Tapos sabi niya 'Weh?' Kasi ilang beses na akala namin dahil seryoso ako lagi sa mga boyfriends parang akala niya lagi 'yun na. Sabi niya 'Oh my God, Ma!' Tapos naiyak na siya at niyakap niya ako. Ganoon siya ka-happy for me kasi alam na alam naman niya na gusto ko talagang ikasal."

Sa kasalukuyan ay pinaplano pa lang ng newly-engaged couple ang kanilang kasal upang maiwasan ang scheduling conflicts.