
Maraming naantig sa social media post ng actor/singer na si Marlo Mortel para sa pinakamamahal niyang ina na si Merlie Pamintuan na tinamaan ng sakit na breast cancer.
Sa Instagram post ng aktor, sinabi nito na nasa kritikal na lagay ang kaniyang ina at humihingi siya ng dasal para sa tuluyang paggaling nito.
Taong 2009 nang mag-audition sa 5th season ng StarStruck si Marlo. Napanood naman siya matapos nito sa show ng yumaong starmaker na si German “Kuya Germs” Moreno na Walang Tulugan with the Master Showman.