
Wednesday, May 17, nagdiwang ng ika-28 na birthday ang Kapuso leading lady na si Kris Bernal. Paano kaya nag-celebrate si Kris ng kaniyang special day?
"Nagtrabaho ako 'eh, may work ako sa GMA and natapos ako ng dinner time. Lumabas lang ako with friends tapos kumain. Nag-celebrate na ako 'nung birthday ko with my family 'nung weekend, sinabay na namin sa Mother's Day. Simple joys ko lang kumain kasama family ko. Ayaw ko na ng mga grand na celebration, parties sa mga bar, 'di kasi ako ganoon 'eh," sagot ng aktres.
Now that Kris has grown another year older, marami nang nagbago sa kaniya, lalong-lalo na sa pagiging independent at responsible, kumpara noong bagong pasok pa lang siya sa industriya.
"I'm already 28, I'm a grown up already, so ngayon, I can decide on my own [and] live by my own rules. Hindi na ako 'yung parang bata na 'pag sinabihan mong 'Gawin mo 'to, gawin mo 'to.' May say na ako, gusto ko na rin mag-decide for myself and for my family. Kung sinabi nila ang gusto nila and ayaw ko, aayawan ko talaga. May karapatan na akong mag-dictate ng life ko, to control my own life, my own path, and my own journey. 28 na ako 'eh, so feel ko naman kaya ko na, ang laki ko na 'eh. Sa industry kasi, 10 years na ako so kumbaga nahasa na ako, nasanay na ako so alam ko na 'yung ikot sa showbiz."