What's on TV

READ: Why Marian Rivera is the perfect choice as the special guest for the pilot episode of 'Daig Kayo Ng Lola Ko?'

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 29, 2017 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kuya Kim shares last family photo with daughter Emman Atienza from Christmas Eve 2024
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Jillian Ward, isa sa mga bida ng weekly anthology, hindi na raw nakapagtataka na si Marian ang napili dahil maraming bata ang umiidolo dito.

Certified wow ang unang episode ng weekly magical anthology ng Kapuso Network na Daig Kayo Ng Lola Ko sa darating na Linggo, April 30, dahil special guest ang nag-iisang Kapuso primetime actress na si Marian Rivera.


Matutunghayan sa kid fantasy series ang makulay na kuwento ni Grasya. Bukod kay Marian, mapapanood din sa pilot airing ang versatile actress na si Ana Feleo.

Ayon kay Jillian Ward na gaganap bilang isa sa mga apo ni Lola Goreng (Ms. Gloria Romero), hindi na raw nakapagtataka na si Marian Rivera ang napiling maging special guest, dahil maraming bata ang umiidolo dito.

Paliwanag ng Kapuso tween star, “Kasi siyempre po si Ate Marian naman since ang tagal niya na pong nag-aartista ‘yung mga bata po talaga pinapanood po siya. Dahil din po si Ate Marian po mga fantasy din po ang ginagawa eh kaya talagang sanay na rin po siya dun. Kaya ayun po marami po talagang [excited na mapanood siya]”

Importante din daw ayon kay Jillian ang Daig Kayo Ng Lola Ko, dahil makakatulong ang show nila para higit na payabungin ang imahinasyon ng mga batang manonood.

Saad niya, “Nakaka-build po talaga ng imagination para samga ka-edad ko kaya importante din po talaga siya.”

Huwag palampasin ang unang pagtatanghal ng Daig Kayo Ng Lola Ko, 7:30 P.M. pagkatapos ng Hay, Bahay! sa Sunday Grande ng GMA-7.

MORE ON 'DAIG KAYO NG LOLA KO':

IN PHOTOS: The magical press conference for 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

EXCLUSIVE: Direk Rico Gutierrez shares his experience on working with veteran actress Gloria Romero

Ms. Gloria Romero, self-confessed fan ni Jaclyn Jose