
Si Willie Revillame raw ang kauna-unahang nakausap ni Kiray Celis nang magdesisyon siyang lumipat sa GMA Network, at pinatunayan daw ng Wowowin host na tama ang kanyang pinili.
Nitong December 20 ay pumirma na bilang isang Kapuso talent si Kiray under GMA Artist Center. Nasa bagong lugar man daw siya, matagal na rin daw tahanan ang turing niya sa GMA Network dahil marami siyang kaibigan at nakatrabaho rito. Isa na rito si Willie na nagbigay sa kanya ng payo nang malaman ang kanyang career move.
IN PHOTOS: Kiray Celis is now a Kapuso
Kuwento ni Kiray sa GMANetwork.com, “Si Tito Willie syempre kilala ko since bata pa ako. Siya 'yung unang-unang nakita ko pagkasabi ko na decided na ako. Kinita ko rin siya.”
“Sabi niya, 'Nasa tamang lugar ka.' 'Yun 'yung sabi niya sa akin. 'Aalagaan ka nila dito, and I'm happy for you.' Sabi ko, 'thank you,'” patuloy niya.
Pansin ni Kiray ang kasiyahan sa Kapuso network ng Wowowin host na minsan na ring nanggaling sa ibang istasyon.
Wika ng aktres, “He's very happy eh. He's very happy here. So I think kung sila masaya, bakit ako hindi.'”