
Full force ngayon ang campaign ng GMANetwork against cyberbullying na #HeartOverHate at nagpaabot ng support ang ilang mga celebrities na nakaranas ng pambu-bully gaya nina Xander Ford at Miss World Philippines 2017 Laura Lehmann para sa campaign.
Sa isang Facebook post, humingi ng tulong at pang unawa ang Kapamilya star na si Xander Ford mula sa mga umaatake sa kaniya online.
"May superheroes pala na pwedeng tumulong sa mga biktima ng cyberbullying. Baka pwede pa help po sa inyo. Hindi naman po ako masamang tao. Sana mabigyan ako ng chance na magbago at magtrabaho ng maayos para sa pamilya ko at hindi na ungkatin ang mga pangit na kaugalian sa nakaraan ko," sulat ng viral sensation.
Na-interview naman si Laura Lehmann ng blogger na si Pelikula Mania at doon ay nagbitaw ng mensahe ang beauty queen para sa mga taong nakakaranas ng pambu-bully.
Aniya, "To those who have been bullied, I just wanna let them know that even though I'm a beauty queen, I have been bullied too. And I know it's a rough patch but you will get through it if you believe in yourself and if you remember who you are and you remember what you believe in, then no matter what anyone says, it won't make a difference. To everyone who bullies, you should stop because it's so negative and it will affect you too. You will get negative and your life will be full of sorrow so it's best to stay positive.
Ongoing ang Blogger's Style Camp 2017 (BSC) kung saan nagko-compete ang mga Teams na Action and Rainbow na parehong binubuo ng mga bloggers mula sa iba't-ibang fields gaya ng entertainment, beauty, at fashion. Click here to vote for your favorite photo.
Photos by: iamlauralehmann(IG) and XanderFordOfficial(FB)