
Masayang-masaya ang Kapuso star na si Yasmien Kurdi sa kaniyang panibagong drama series na Hiram Na Anak lalo na't muli niya ritong makakasama ang komedyanteng si Paolo Contis.
Ani Yasmien sa media conference ng Hiram Na Anak, enjoy raw siyang katrabaho si Paolo sa set.
IN PHOTOS: 'Hiram Na Anak' will be your newest morning drama habit, soon on GMA
"Si Kuya Paolo, tawa ako nang tawa every time na nasa set siya.
Si Kuya Pao kasi ang sarap niya ka-work kasi siya 'yung nagpapa-lighten up ng mood ng lahat kahit drama, pinapatawa niya kaming lahat na parang hindi siya drama."
Dati na silang nagkatrabaho sa 2014 series na Yagit kung saan nakasama rin nila ang current partner ni Paolo na si LJ Reyes. Ayon sa kuwento ni Yasmien, dito nga raw umusbong ang relasyon ng dalawa.
"Masama rin si Paolo doon pero doon sila nagkakilala ni LJ sa Yagit.
"Nakita ko pa noon na may nanliligaw kay LJ sa set na artista rin tapos toward the end of Yagit, nakita ko, aba!
"Si Paolo nandoon na siya 'eh namatay na 'yung character niya. Sabi ko, 'Teka teka, namatay na 'yung character mo, bakit ka andito kumakain ka ng midnight snack namin?' Tapos sabi niya, 'Bakit nakikikain lang ako!'
"Iyon pala, nililigawan niya na pala si LJ," wika ng aktres.
Tunghayan ang kuwento ni Miren (Yasmien Kurdi) at ang laban nito maprotektahan lang ang kaniyang Hiram Na Anak. This February 25 na on GMA bago mag-Eat Bulaga!