What's on TV

READ: Yasmien Kurdi's appreciation post for 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka'

By Michelle Caligan
Published August 29, 2018 3:53 PM PHT
Updated August 31, 2018 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Anim na buwang tumakbo ang Afternoon Prime series na 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka,' kaya sa nalalapit na pagtatapos nito, hindi naiwasan ni Yasmien Kurdi na ibahagi ang kanyang saloobin sa Instagram.

Anim na buwang tumakbo ang Afternoon Prime series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, kaya sa nalalapit na pagtatapos nito, hindi naiwasan ng ilang cast members na maging emotional sa kanilang pamamaalam sa show.

READ: 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka' stars, naging sentimental sa kanilang last taping day

Ang lead star nitong si Yasmien Kurdi, nag-iwan ng mahabang mensahe sa kanyang Instagram account.

Matatapos kaming may ngiti sa mga labi dahil sa tagumpay ng show namin na “Hindi Ko Kayang Iwan Ka”, maraming salamat po sa mainit na pagtanggap niyo sa amin dahil sa magandang storya na nabuo ng aming creative team na nakasama pa si Director Maryo🙏🏻 sa mga taong nakasama ko ng halos isang taon dito sa show na ito, sa loob man o sa likod ng camera, mamimiss ko kayo! Di ko akalain na magkakaron ako ng instant Kuya Direk Neal Del Rosario na komportable akong magkwento ng mga nangyayari araw araw sa buhay ko... at mga kapatid ko in real life na sila Charee, Catherine, Martin, Rodjun, Ina, Jackie at Mike na walang kaarte-arte mga kasama at ka-trabaho... mamimiss ko kayo! Sana after ng show na to, magkita kita parin tayo ❤️ Sa aming staff na sobrang alaga sakin lalo na sa aming EP na si Sir Milo super bait wala akong masabi... thankyou po🙏🏻 Kay Sir Anthony na lagi kaming ginagabayan maraming salamat po 🙏🏻 Sa mga writers namin lalo na kay Ms. Zita na lagi ako mine-message salamat po! 🙏🏻love you! salamat sa pagmamahal na binigay sakin ng production na to😩 pero ganun talaga lahat ng storya at lahat ng bagay dito sa mundo ay may hangganan... pero ang pagmamahal sa puso natin dapat ay wagas ❤️ Sa lahat ng tumutok sa storya at sinamahan si Thea sa hirap at sa ginhawa hanggang sa pag Laban niya sa buhay, Maraming Salamat po🙏🏻 Kayong manonood ang inspirasyon sa pag ganap ko sa katauhan ni Thea😘 Sana marami po kayong natutunan sa palabas namin na pinapatunay lang nito, na ang isang person living with HIV ay kaya parin mabuhay ng marangal, maayos at kapaki-pakinabang sa buhay... at sana wag tayong maging mapanghusga sa kapwa mahirap man o mayaman, maganda man o hindi, may kapansanan man o wala, ano man ang kulay niya sa buhay dapat respeto at pagmamahal ang ipinapakita natin sa isa't isa🌈 dahil ang bawat tao ay may kanya kanya rin teleserye at storya sa buhay, tulad lang din ni Thea. Sana sa mga totoong Thea, wag kayo sumuko sa laban! Maraming nagmamahal sa inyo🙏🏻 Thea Balagtas Signing Off 😘 Maraming Salamat po mga Kapuso 🙏🏻💋😘 Hanggang sa Muli! #HindiKoKayangIwanKa 📺#GMAAfternoonPrime #Advocaserye #Adbokaserye #TheaBalagtas 💐

Isang post na ibinahagi ni Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) noong

"Matatapos kaming may ngiti sa mga labi dahil sa tagumpay ng show namin na “Hindi Ko Kayang Iwan Ka”, maraming salamat po sa mainit na pagtanggap niyo sa amin dahil sa magandang storya na nabuo ng aming creative team na nakasama pa si Director Maryo. Sa mga taong nakasama ko ng halos isang taon dito sa show na ito, sa loob man o sa likod ng camera, mamimiss ko kayo! Di ko akalain na magkakaron ako ng instant Kuya Direk Neal Del Rosario na komportable akong magkwento ng mga nangyayari araw araw sa buhay ko... at mga kapatid ko in real life na sila Charee, Catherine, Martin, Rodjun, Ina, Jackie at Mike na walang kaarte-arte mga kasama at ka-trabaho... mamimiss ko kayo! Sana after ng show na to, magkita-kita pa rin tayo. Sa aming staff na sobrang alaga sakin lalo na sa aming EP na si Sir Milo super bait wala akong masabi... thank you po. Kay Sir Anthony na lagi kaming ginagabayan maraming salamat po. Sa mga writers namin lalo na kay Ms. Zita na lagi ako mine-message salamat po! love you! salamat sa pagmamahal na binigay sakin ng production na to," sulat niya sa caption.

Dinagdagan pa niya ito ng mensahe sa kanilang viewers at sa mga tulad ng kanyang character na may HIV.

"Sa lahat ng tumutok sa storya at sinamahan si Thea sa hirap at sa ginhawa hanggang sa pag Laban niya sa buhay, Maraming Salamat po. Kayong manonood ang inspirasyon sa pag ganap ko sa katauhan ni Thea. Sana marami po kayong natutunan sa palabas namin na pinapatunay lang nito, na ang isang person living with HIV ay kaya pa rin mabuhay ng marangal, maayos at kapaki-pakinabang sa buhay... at sana wag tayong maging mapanghusga sa kapwa mahirap man o mayaman, maganda man o hindi, may kapansanan man o wala, ano man ang kulay niya sa buhay dapat respeto at pagmamahal ang ipinapakita natin sa isa't isa dahil ang bawat tao ay may kanya kanya rin teleserye at storya sa buhay, tulad lang din ni Thea. Sana sa mga totoong Thea, wag kayo sumuko sa laban! Maraming nagmamahal sa inyo. Thea Balagtas Signing Off, Maraming Salamat po mga Kapuso. Hanggang sa Muli!"

Huwag palampasin ang pagtatapos ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ngayong Biyernes, August 31, sa GMA Afternoon Prime.