
May isang prangkang reaksyon mula sa Family Feud contestant na agad napansin ng mga manonood at netizens online!
Sa Fast Money round noong October 22, nakapasok ang Project Z o The Voice Kids Philippines group ni Zack Tabudlo. Ang mga sumabak sa exciting round ay sina Era De Guzman at Sofia Mallares.
Sa tanong na, "Sa iyong palagay, ano ang trabaho ng presidente ng Pilipinas?" ng host na si Dindgdong Dantes, ang sagot ni Sofia ay "gumawa ng batas."
Bagama't hindi ito ang top answer, nakakuha pa rin siya ng 14 points.
"Ang top answer dito ay ayusin ang problema ng bansa," paliwanag ni Dingdong Dantes.
Ngunit ang ikinagulat ng marami ay ang sumunod na pabulong na reaksyon ni Sofia, "Ah, Hindi nila 'yon ginagawa."
Kaagad itong pinag-usapan sa social media, kung saan maraming netizens ang naaliw at nagbahagi ng kanilang sariling opinyon tungkol sa sagot ni Sofia. Naging usapin na rin ito sa ilang platforms, kagaya ng reddit.
Balikan ang naturang reaksyon dito:
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: