
Kuwento ng pag-iibigang hindi mapapakupas kahit ng kamatayan ang hatid ng episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.
Tampok sa episode na ito si Kapuso actress Barbie Forteza pati na ang real-life couple na sina Isay Alvarez at Robert Seña.
Bibigyang-buhay nila ang kuwento ng mag-inang Joji at Alyssa na makakakuha ng isang sorpresa mula sa haligi ng kanilang pamilya na si Bing matapos itong yumao.
Si Robert ang gaganap bilang Bing, ang ama ng pamilya na matapos ma-operahan sa puso, ay magkakaroon naman ng kidney failure at kalaunan ay sumakabilang-buhay.
Biyuda niya si Alyssa na gaganapan naman ni Isay, habang si Barbie ang kanilang nag-iisang anak na si Alyssa.
Laking gulat ni Alyssa nang makatanggap ng isang email mula kay Bing, sampung buwan matapos itong mamatay.
Naglalaman ito ng mga bilin para sa pagdiriwang ng silver wedding anniversay nila ni Joji na inihanda niya bago siya pumanaw.
Sisikapin naman ni Alyssa na tuparin ang bilin at sopresa ng kanyang ama para sa kanyang ina.
Huwag palampasin ang inspiring nilang kuwento sa "My Everlasting Love: The Joji and Alyssa Mendoza Story" ngayong Sabado, December 11, 8:15 pm sa '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito: