GMA Logo Magpakailanman
What's on TV

Real life drama anthology na '#MPK,' mapapanood sa bagong timeslot ngayong October

By Marah Ruiz
Published September 30, 2021 9:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Ngayong buwan ng October, magpapatuloy ang mga tunay na kuwento ng '#MPK' sa bagong timeslot nito tuwing Sabado.

Simula ngayong Sabado, October 2, 8:15 pm na matutunghayan ang mga episodes real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Fresh at brand new din ang episode na unang mapapanood sa bagong timeslot na ito. Pinamagatang "Pa-mine: Online Body Selling" pagbibidahan ito ni Dave Bornea na gaganap bilang breadwinner na kakapit sa patalim at ibebenta ang sarili online.

Noong una, pagsasayaw lang at sexy pictures ang maaaring mabili mula sa kanya. Pero buhat ng matinding pangangailangan ng kapatid na maysakit, sasabak na rin siya sa prostitusyon.

Makakasama ni Dave sa episode sina Luke Conde, Raquel Pareno, Karenina Haniel at James Teng.

Silipinan ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:



Nagsimula ang Magpakailanman noong 2002 at tumakbo hanggang 2007. Ang award-winning broadcast journalist na si Mel Tiangco ang nagsilbing host nito.

Dahil sa masidhing interes, nagbalik ang serye noong 2012 at kasalukuyang pa ring napapanood tuwing Sabado.

Huwag palampasin ang mga inspiring na totoong kuwento ng #MPK sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 8:15 pm, pagkatapos ng The Clash sa GMA.