
Nasorpresa at na-overwhelm ang dating child star na si Rebecca Lusterio nang malamang muling ipapalabas sa mga sinehan ang 1999 award-winning film na Muro-ami.
Siyam na taon pa lamang noon si Rebecca nang aksidenteng napasama sa Muro-ami. Binabantayan niya ang kanyang nakababatang kapatid sa Balicasag Island sa Panglao, Bohol nang malaman niyang may auditions para sa pelikula. Tumatak sa marami ang role niya bilang Kalbo, na nagbigay sa kanya ng best child actress awards.
Sa interview ng GMA Pictures, ipinarating ni Rebecca ang nararamdaman na muling mapapanood sa big screen ang Muro-ami matapos ang 26 taon.
"It's quite exciting. And, you know, I felt proud, actually. It's a good movie, and I'd love talking about this," sabi niya. "It's like opening a time capsule. Brought back a lot of memories. It was also fun, like I saw Kuya Jhong also share the reel. Tita Amy commented on the post, and it was kind of like, It's nice, they still remember me.'"
Binalikan din ni Rebecca ang ilang memories mula sa set ng Muro-ami at kung paanong sinuportahan siya ng cast nito.
"It was interesting, intimidating in a way because, you know, filming this movie with big stars Mr. Cesar Montano, Jhong Hilario, Amy Austria, Pen Medina. They're like big stars, and I was just like a kid from somewhere and then I got to throw lines with them.
"I remember it was intimidating, scary, but they were so kind like they always supported me, help me out like give me tips. They help me carry out the scenes well. And also, Direk Marilou [Diaz-Abaya] was so kind, just guided me through the whole process."
Ayon kay Rebecca, maraming dalang magagandang alaala sa kanya ang Muro-ami. Na-miss din niya ang kanyang experiences noon habang ginagawa ang pelikula at ang mga nakasama sa set.
Ganoon din, natatawa siya na makita ang kanyang sarili. Pagbabahagi niya, "And seeing my younger self, it's always funny. So, I just laugh."
Samantala, naninirahan na ngayon si Rebecca sa Denmark kasama ang kanyang asawa at pitong taong gulang na anak.
Ipinapalabas na ang Muro-ami sa piling SM cinemas nationwide.
Related content: Cesar Montano, Jhong Hilario, and other stars grace Muro-ami Special Screening