GMA Logo Widows Web episode
What's on TV

Rebelasyon ni William Suarez sa 'Widows' Web,' trending!

By Dianne Mariano
Published April 26, 2022 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Widows Web episode


Nag-trending sa social media kahapon (April 25) ang makapagil-hiningang episode ng 'Widows' Web.'

Isang matindi at makapigil-hiningang episode ang napanood kahapon, April 25, sa Widows' Web dahil sa rebelasyon ni William Suarez (Bernard Palanca), na asawa ni Hillary (Vaness del Moral) at dating best friend ni AS3 (Ryan Eigenmann).

Matatandaan na inamin at ikinuwento ni William kina Hillary, Elaine (Pauline Mendoza), Jed (Anjay Anson), at Nikki (Vanessa Peña) na siya ang nagtangkang pumatay kay Xander noon pero hindi ito nagtagumpay dahil si Frank (EA Guzman) ang nakita nito at hindi ang dating niyang kaibigan.

Bukod dito, sinabi rin ni William sa kanila na hindi siya ang pumatay kay Xander.

Isa rin sa mga intense scenes ay ang mainit na pagkompronta ni Elaine kay Barbara (Carmina Villarroel) matapos isugod sa ospital si Jed, na nabaril ni William. Samantala, binawian naman ng buhay si William sa ospital matapos nitong barilin ang kanyang sarili.

Ang naturang episode na ito ay mabilis na naging trending topic sa Twitter Philippines na mayroong hashtag na #WWWilliamsRevelation.

PHOTO COURTESY: Twitter

Umani rin ito ng papuri mula sa netizens dahil sa tindi ng mga eksena, intense storyline, at magaling na pag-arte ng bawat miyembro ng cast.

PHOTO COURTESY: Twitter

Nakakuha naman ng 11 percent combined ratings ang naturang episode ayon sa NUTAM People Ratings, mas mataas sa nakuha nitong katapat na palabas na nakakuha lamang ng 7.4 percent.

Mga Kapuso, sino sa tingin ninyo ang tunay na suspek sa pagpatay kay Alexander Sagrado III? Huwag palampasin ang huling linggo ng Widows' Web, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA.

Samantala, silipin ang lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.