
Mga Sangkap:
4 to 5 tasang tubig
4 butil ng bawang
2 luya
1 katamtamang laking sibuyas
1 pc Knorr Shrimp Cubes
1/4 tasang isdang bagoong
12 pirasong sitaw
2 tasang saluyot
2 tasang bulaklak ng kalabasa
1 prito o inihaw na bangus
1 tasang malunggay
Photo source: Knorr Nutri-Sarap Kitchen
Paraan sa pagluluto:
1. Sa isang kaldero, ilagay ang tubig, bagoong na isda, luya, bawang, at sibuyas. Pakuluin.
2. Ilagay ang Knorr Shrimp Cube at ang sitaw. Takpan at hayaang kumulo.
3. Kapag luto na ang sitaw, ilagay ang saluyot at ang mga bulaklak ng kalabasa.
4. Ilagay na rin ang fried o grilled bangus. Pakuluin ng mga dalawa pang minuto.
5. Alisin sa apoy at ihain.
Servings : 3-4