
Mga Sangkap:
7 pirasong hipon, linis na
1 pirasong pulang sibuyas
4 butil ng bawang
pamintang durog
1 maliit na sayote
1 1/2 tasang cauliflower
1 pirasong carrot
1 pirasong green pepper
1 tangkay ng celery
1 1/2 tasang repolyo,
1 tasang Baguio beans
singkamas
1 1/2 kutsarang oyster sauce
1 kutsarang cornstarch, tinunaw sa 1/2 tasang tubig
1 pc Knorr Shrimp Cubes
3/4 tasang tubig
3 kutsarang cooking oil
Paraan sa pagluluto:
1. Igisa ang hipon sa bawang at sibuyas. Budburan ng paminta.
2. Isama na rin sa pag-gisa ang Knorr Shrimp Cubes.
3. Dagdagan ng tubig at pakuluin ito bago ilagay ang mga gulay na sayote, carrots, at cauliflower.
4. Pagkatapos ng 5 minuto, ilagay na ang natitirang gulay - Baguio beans, bell pepper, celery at repolyo.
5. Ilagay ang oyster sauce at ang cornstarch na tinunaw sa tubig. Haluin.
6. Ilipat sa pinggang panghain at i-serve na may kasamang kanin.
3 to 4 servings