Young celebrity dad Pancho Magno shares a Nutri-Sarap recipe that always brings comfort to his family - Glazed Fried Chicken partnered with Crab and Corn Soup.
Mga Sangkap:
Para sa marinade:
½ kg chicken parts
1 kutsarang Knorr Liquid Seasoning
1 kutsaritang pamintang durog
¼ tasang all-purpose flour
¼ tasang cornstarch
2 tasang mantika, pang-prito
Para sa glaze:
2 kutsarang oyster sauce
¼ tasang Knorr Liquid Seasoning
1 kutsaritang chili sauce
2 kutsaritang puting asukal
¼ kutsaritang sesame oil
pampalapot (2 kutsarang cornstarch na tinunaw sa 2 kutsarang tubig)
1 kutsaritang toasted sesame seeds, pang-garnish
1 kutsaritang spring onions, pang-garnish
Para sa soup:
1 pack Knorr Crab and Corn Soup
4 tasang tubig
1 pirasong itlog
Photo source: Knorr Nutri-Sarap Kitchen
Paraan sa pagluluto:
Pag-marinate at pag-prito ng manok
Lagyan ng Knorr Liquid Seasoning at paminta ang chicken parts. Hayaang mababad ito ng 10 minuto.
Pagulungin ang binabad na manok sa pinaghalong harina at cornstarch hanggang sa mabalot ito.
Ilagay sa chiller bago ito iprito.
Glaze:
Sa isang saucepan, pagsamasamahin ang oyster sauce, Knorr Liquid Seasoning, chili sauce, puting asukal at sesame oil. Pakuluin.
Dahan dahang lagyan ng pampalapot na gawa sa pinaghalong cornstarch at tubig. Hayaang kumulo. Alisin sa apoy.
Ilagay ang pritong manok, hanggang sa mabalot ito ng glaze.
Ihain kasama ang Knorr Crab and Corn Soup.
Soup
Tunawin ang isang paketeng Knorr Crab and Corn Soup sa 4 na tasang tubig. Haluin mabuti hanggang sa matunaw ito.
Pakuluin habang patuloy sa paghahalo ang Crab and Corn Soup mixture.
Takpan at hayaang kumulo sa loob ng limang minuto. Haluin paminsan-minsan.
Lagyan ng isang itlog at haluin ito gamit ang tinidor.